Mga Panuntunan, Regulasyon at Tip sa Sasakay

Mga Panuntunan sa Bagahe

Ang bagaheng maaaring ilagay sa ilalim ng upuan ng pasahero o sa kandungan ng pasahero, na hindi sasakop sa isa pang upuan o kung hindi man ay sasagabal sa ibang mga pasahero, ay tatanggapin nang walang singil. Ang bagaheng hindi tatanggapin ay ang mga malaki, mabigat, mapanganib o nakakapanakit na bagay na maaaring magsanhi ng pinsala o pagkabalisa sa sinumang pasahero. Walang bagaheng ilalagay sa daanan sa gitna o sa mga upuan.  Sek. 28-2.4, R.O. 1978 (1983 Ed.)

Paglalarawan ng Artikulo Maximum na Blg. Maximum na Laki
Mga katamtamang laking suitcase, duffle bag, o maliit na metal bag caddy na may gulong 1 bawat tao 22" x 14" x 9"
Mga grocery bag na maaaring buhatin ng mga pasahero gamit ang kanilang kamay    
Maliit na backpack/day pack na walang bakal na frame    
Maliit na lawn chair na walang mga paa 2 bawat tao  
May bakal na frame na tagabuhat ng bata (dapat na alisin ng pasahero habang naglalakbay sa bus) 1 bawat tao  
Naititiklop na stroller ng bata (anumang klase, naitutupi, kapag inalis ang bata) 1 bawat tao  
Instrumento sa banda gaya ng gitara, trombone, atbp. 1 bawat tao Makatuwiran ang laki
Beach mat na walang buhangin o ibang maliit na bato    
Skateboard na dala o nakakandong (hindi gagamitin sa loob) 1 bawat tao  
Malambot na boogie board na walang skeg o fin, pinatuyo at walang buhangin at ibang maliliit na bato 1 bawat tao 48" ang haba
Golf club o natatanggal na pamingwit na maayos na tinakpan o nasa lalagyan na walang matutulis na dulo 3 bawat tao 48" ang haba
Maliit na lalagyan o kahon ng alagang hayop    
Kagamitang pampalakasan gaya ng raketa ng tennis, baseball bat, atbp.    

Mga Hayop

  • Pinapahintulutan ang Mga Hayop na Panserbisyo.
  • Ang maliliit na hayop sa isang kulungan o lalagyan ay maaaring ilagay sa ilalim ng upuan o sa kandungan ng pasahero nang hindi makakaabala sa ibang mga pasahero.

Ipinagbabawal ang Pagkain at Inumin

Ipinagbabawal ng batas ng lungsod ang pagkain o pag-inom ng anumang anyo ng pagkain o inumin o pagdadala o pagkakaroon ng anumang pagkain o inumin sa isang lalagyan bukod sa lalagyan na mahigpit na isinarado, tinakpan o naipakete upang ma-minimize ang posibilidad ng aksidenteng pagkatapon kapag nakalog o nahulog ang lalagyan.

Bawal Manigarilyo

Ipinagbabawal ng batas ng lungsod ang paninigarilyo sa TheBus.

Mga Aparato sa Audio: Radyo, Mga MP3 Player, Mga Aparatong Walkie-Talkie, Mga Cellphone, atbp.

Ang paggamit ng anumang mga aparato sa audio sa loob ng mga bus ay ipinagbabawal maliban kung ginagamit ng pasahero ang isang earphone system para sa tahimik na pag-andar.

Dapat na ilagay ang mga cellphone sa vibrate mode o pinatay ang pag-ring habang nasa bus.

Mga Tip na Pangkaligtasan

  • Maging alerto sa lahat ng oras para sa mga biglaan o mabilis na pagtigil.
  • Humawak sa mga hawakan. Kapag nakatayo, palaging humawak sa mga poste, handbar o seatbar.
  • Maupo kapag posible. Mas madaling makaupo sa mga oras na hindi rush hour sa pagitan ng 9:00 a.m. at 3:00 p.m.
  • Huwag lumipat ng upuan kapag gumalaw na ang bus.
  • Kapag nasa labas ng bus, huwag humarang. Palaging gamitin ang tawiran nang may pag-iingat pagkatapos na umalis ang bus sa bus stop.
  • Huwag maupo sa lapag sa bus stop upang maghintay.
  • Huwag maupo sa hagdanan.

Mga Tip sa Pagsakay

  • Kapag nakatayo, lumipat sa likod ng bus.
  • Tumayo sa bangketa sa bus stop kung gusto mong sumakay.
  • Magsuot ng mga damit na may mapusyaw na kulay sa gabi para mas madaling makita.
  • Galangin ang nakalaang upuan sa mga upuan sa harap ng bus para sa mga nakatatanda at may kapansanan.
  • Hinihiling sa mga pasaherong agad na iulat ang anumang graffiti o paninira sa bus operator. Mangyaring huwag magkalat.

Ang Batas

  • Ilegal na sumakay sa bus mula sa labasang pinto sa likod maliban kung sinabing gawin ng bus operator.
  • Kasalanang mabigo o tumangging magbayad ng mga naaangkop na singil o magpakita ng pekeng bus pass at/o hindi wastong bus transfer.
  • Binago ng Hawaii State Legislature ang penal code upang isaad na ang mga pagsalakay o malateroristang pagbabanta sa isang tsuper ng bus ay ituturing na Class C na krimen sa halip ng isang kasalanan.
  • Huwag magdala ng anumang nag-aapoy, sumasabog, nakakasira o mga matinding nakapanlalasong likido o gas pagsakay sa TheBus.

[§711-1112] Paggambala sa operator ng isang pampublikong sasakyang pambiyahe.

  1. Isinasagawa ng isang tao ang sala ng paggambala sa operator ng isang sasakyang pampublikong pambiyahe kung gumambala ang tao sa pagpapatakbo ng isang pampublikong sasakyang pambiyahe o bawasan ang kakayahan ng operator na patakbuhin ang pampublikong sasakyang pambiyahe sa pamamagitan ng:
    1. Nang sinasadya, alam, o walang ingat na pagsasanhi ng mga pinsala sa katawan sa operator ng pampublikong sasakyang pambiyahe o
    2. Pagbabanta, sa pamamagitan ng salita o pagkilos, upang magsanhi ng pinsala sa katawan sa operator ng pampublikong sasakyan pambiyahe na may layuning takutin, o na walang ingat na balewalain ang peligro ng pananakot sa operator ng pampublikong sasakyang pambiyahe.
  2. Para sa hangarin ng seksyong ito, ang “pampublikong sasakyang pambiyahe” ay isang pampublikong sasakyang pambiyahe na nagbibigay ng serbisyo sa mga may kapansanan, anumang sasakyang pambiyahe na ginamit para sa paglipat ng mga pasahero kapalit ng anumang mga legal na siningil na bayarin o pamasahe, anumang school bus, o anumang taxi.
  3. Ang paggambala sa operator ng isang pampublikong sasakyang pambiyahe ay isang class C na kasalanan.

[L 1996, c 87. §3]

footer menu
System Map Purchasing Mga Mapa at Transit Center(Ingles lamang) Mga Mapa at Transit Center
(Ingles lamang)
Mga Pagdating ng Bus sa Takdang Oras(Ingles lamang) Mga Pagdating ng Bus sa Takdang Oras
(Ingles lamang)
Mga Kundisyon ng Kalsada(Ingles lamang) Mga Kundisyon ng Kalsada
(Ingles lamang)
footer menu
Komento ng Customer(Ingles lamang) Komento ng Customer
(Ingles lamang)
Lungsod at County ng Honolulu(Ingles lamang) Lungsod at County ng Honolulu
(Ingles lamang)
Kaligtasan at Seguridad Kaligtasan at Seguridad