PAMASAHE NG KABATAAN

Epektibo: 1/1/23

Ang kabataan ay isang taong 6 - 17 taong gulang (kailangan ang patunay ng edad). Kasama sa kabataan ang mga mag-aaral sa mataas na paaralan hanggang 19 taong gulang na may balidong pagkakakilanlan ng mataas na paaralan o patunay ng pagpapatala. Ang isang Youth HOLO card ay kinakailangan upang maging kuwalipikado para sa pinababang pamasahe.

Ang Youth HOLO Card ay makukuha sa  mga Satellite City Hall o sa Transit Pass Office na may patunay ng edad at photo ID na iniisyu ng gobyerno. Kailangan ng Youth Fare Form.

 

Mag-reload ng Youth Holo card sa HOLO retail location, www.holocard.net, o tumawag sa 808-768-4656.

 

Cash na Pamasahe                           $1.50

Babayaran ang pamasahe sa bawat pagsakay. Dapat ipakita ng pasahero ang kanilang Youth HOLO Card para mabayaran ang pinababang pamasahe. 

LIBRE ang isang (1) batang 5 taong gulang pababa kapag nakasakay kasama ng pasahero na nagbabayad ng pamasahe at hindi umuokupa ng upuan.


HOLO CARD   

Bayad sa HOLO Card                       $2.00

Bayad para sa inisyal at kapalit na mga card. 


Pang-isang Pamasahe                                                                     $1.50

May kasamang 2.5 oras ng walang limitasyong paglilipat. 

Arawang pataw na limitasyon sa pamasahe                                 $3.75

Kapag nabayaran na ang halagang ito, walang karagdagang mga bayad para sa buong araw.

7- Araw na Pass                                                                              $15.00


Buwanang pataw na limitasyon sa pamasahe                             $40.00

Kapag nabayaran na ang halagang ito, walang karagdagang bayad para sa buong buwan. 

Buwanang Pass                                $40.00

Bumili sa mga retail location.


Taunang Pass                                   $440.00

Bumili sa  Transit Pass Office o tumawag sa 808-768-4656.

Ang mga pass na binili pagkatapos ng ika-20 ng buwan ay magiging aktibo simula sa unang araw ng susunod na buwan. 

Ang mga youth HOLO card ay mag-e-expire sa Hunyo 30 pagkatapos umabot ang kabataan sa edad na 18 o sa kaarawan ng kabataan kung ipinanganak pagkatapos ng Hunyo 30. Mangyaring magsumite ng patunay ng pagpapatala sa mataas na paaralan kung ang edad ng kabataan ay 18 o 19.   

Kailangan ang State of Hawaii ID, Lisensya sa Pagmamaneho/Permit, Sertipiko ng Kapanganakan (may photo ID), o Pasaporte para sa pagberipika ng edad. Maaaring mag-apply ang magulang o legal na tagapag-alaga para sa youth pass ng kanilang anak na may photo ID na iniisyu ng gobyerno at uri ng ID ng kanilang anak.